
Sa loob ng pitong seasons, nakita ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang mga pagbabago sa reality-based artista search na StarStruck mula sa una nitong season na ipinalabas noong 2003.
"Impactful" kung kanyang ilarawan ang kanyang karanasan bilang host ng programa dahil saksi siya mismo sa pag-unlad ng mga produkto nito.
"Lost count na ko sa season sa sobrang impactful n'ya sa 'kin kasi every time na mayroong StarStruck, pareho 'yung importance at energy sa unang season noong 2003.
"Gulat ako dahil seven seasons na pala in a span of more than 10 years.
"Nakita ko 'yung growth, 'yung evolution, hindi lang ng show, lalong-lalo na 'yung mga nanalo, 'yung mga hopeful.
"From being teen actors and actresses, now they are really very good actors," pahayag ni Dingdong sa isang panayam kamakailan.
Aniya, pinaka-memorable sa kanya ang first season ng StarStruck kung saan hinirang bilang Ultimate Female Survivor si Jennylyn Mercado na ngayoy co-host na niya.
"Yung unang StarStruck ay memorable.
"'Yun 'yung kauna-unahan kung saan andoon lahat ng excitement, tanggalan, kita ko talaga 'yung iyakan.
"Ngayon at nakikita ko siya, siya [Jennylyn] talaga ang ultimate product ng StarStruck."
Makalipas ang 16 na taon, malinaw pa rin sa isip ni Dingdong ang pagkakataon kung saan dinerehe niya si Jennylyn noong hopeful pa lang ito, kasama ang noo'y katambal niya na si Mark Herras, para sa defunct weekly horror-fantasy series na Kakabakaba Adventures.
Pagbabalik-tanaw ni Dingdong, "May episode kasi kung saan 'yung mag-partners, noong time na 'yun sina Mark and Jen, made-deploy sila sa iba't ibang shows.
"They will portray some roles and noong time na 'yun ginagawa ko 'yung Kakabakaba.
"Si Mark and Jen 'yung napunta sa Kakabakaba so na-direk ko sila pareho.
"It was a very memorable working experience with them."
WATCH: Dingdong Dantes and Jennylyn Mercado, handa na sa pagsisimula ng 'StarStruck' ngayong June 15