
"Promise pinigilan ko talagang tumawa, di ko talaga kinaya! #haaaymahalkalokaka"
Ito ang naging caption ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa video na kanyang kinunan at in-upload sa kanyang Instagram stories. Ang nasa video ay ang asawa niyang si Dingdong Dantes na naka-ninja costume at tumatakbo pababa sa hagdan.
Maririnig sa naturang video ang tawa ni Marian na aliw na aliw sa ginagawa ng kanyang mister.
READ: Ano ang mga namana ni Baby Zia mula sa mga magulang na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes?
Kababalik lang ng pamilya Dantes mula sa bakasyon sa Japan. Cover girl din ng Rogue magazine si Marian para sa kanilang appetite issue
MORE ON DONGYAN:
WATCH: Behind the scenes of Marian Rivera's magazine photo shoot
Dingdong Dantes, nangangarap mag-triathlon