What's on TV

WATCH: Elizabeth Oropesa, matagal nang gusto ang maging komedyante

By Jansen Ramos
Published October 8, 2018 12:06 PM PHT
Updated October 8, 2018 12:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipinos in Czechia, Germany celebrate Sinulog in Prague
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Dream come true para kay Elizabeth Oropesa ang makagawa ng light and campy drama series. "It's not easy to make people laugh," ayon sa premyadong aktres.

Exciting at nakakatawa raw ang mga eksena ng mga premyadong aktres na sina Gloria Diaz at Elizabeth Oropesa na tila aso't pusa ang relasyon sa newest primetime series na Pamilya Roces.

READ: 'Pamilya Roces' makes "nakakalokang" debut on GMA Telebabad

Gagampanan ni Gloria ang papel ni Natalia Roces, ang legal wife ni Rodolfo (Roi Vinzon), samantalang si Elizabeth naman ay si Violet Bolocoboc, ang social climber at gold digger mistress.

Ayon sa ulat ng Balitanghali, dream come true para kay Elizabeth na makagawa ng light and campy drama series. Aniya, "It's not easy to make people laugh. As far as I'm concerned, it's easier to make people cry."

"Ito ay isang pangarap na natupad kasi palagi nga akong drama, e matagal ko nang gusto maging comedienne. Hindi lang alam ng mga tao na puwede kong gawin." dagdag ng multi-awarded actress.

EXCLUSIVE: Elizabeth Oropesa pangarap gumanap bilang pipi on screen

Abangan ang kuwelang pagganap ni Elizabeth sa Pamilya Roces, mamaya na, October 8, pagkatapos ng Onanay.