GMA Logo
What's Hot

WATCH: Full episode of 'One Hugot Away's' "Paano Ibabalik ang Spark"

By Jansen Ramos
Published December 2, 2019 5:43 PM PHT
Updated December 23, 2019 2:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Express: December 22, 2025 [HD]
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust
Michelle Dee celebrates the holidays with a designer bag

Article Inside Page


Showbiz News



Sundin kaya ni Katrina (Jes Dizon) ang mga payo ni Tony (Prince Clemente) para maibalik ang spark na nawala sa pagitan niya at ng kanyang asawa?

Sa third episode ng One Hugot Away na pinamagatang Paano Ibabalik ang Spark, natunghayan ang matinding hugot ng isang insurance agent na si Katrina (Jes Dizon), 34, sa loob ng isang pampasaherong sasakyan (TNVS) na na-trap sa gitna ng matrapik na kalsada ng EDSA.

'One Hugot Away' presents two new stories "Let Go Na" and "Paano Ibabalik ang Spark"

Isinalaysay ni Katrina sa guwapong driver na si Tony (Prince Clemente), 33, ang lahat ng kanyang hinala kung bakit parang lumalayo ang loob ng kanyang asawa sa kanya: dahil kaya sa lumalaki na ang kanyang katawan o “losyang” kung tawagin ng ilan; o hindi na kaya siya kagusto-gusto dahil may nahanap na itong iba?

LOOK: Meet Prince Clemente, one of GMA's hottest hunks

Pero si Tony, hindi lang pala basta driver… love doctor din! Sa katunayan, may ilang payo ito kay Katrina para ipaliwanag ang “stages of grief” na kanyang pinagdaraanan.

Mukhang naibsan na ang kalungkutan ni Katrina dahil sa tindi ng malasakit ni Tony sa kanya at tila nagkakalapit pa ang loob nila isa't isa.

Maibabalik pa kaya ang spark na nawala sa pagitan ni Katrina at ng kanyang asawa sa tulong ni Tony?

O maging dahilan pa ang huli para magkahiwalay ang dalawa?

Netizens, nakihugot kina Liezel Lopez at Ralph Noriega sa 'One Hugot Away'