
Kilala hindi lamang bilang magaling na aktres, kundi isang singer din ang tinaguriang 'Boss G' ng Running Man Philippines na si Glaiza De Castro.
Pero sa kabila nang pinapakita niyang confidence sa stage, mero'n siyang embarrassing moment bilang isang performer na hindi niya ever makakalimutan.
Sa Slambook Questions video niya with GMANetwork.com, ikinuwento niya na may takot siya sa tuwing kailangan niyang mag-lip-synch, dahil sa isang insidente noon.
Pagbabalik-tanaw ni Glaiza, “Mga 13 years old ako, hindi ko makakalimutan talaga. Nag-lip-synch ako sa isang show, tapos nasagi 'yung CD player doon sa PA system.
“Tapos nag-skip 'yung kanta ko, tapos hindi ko na alam kung paano ko mare-redeem 'yung sarili ko.”
“Ever since that happened parang medyo takot na ako mag-lip-synch.”
Samantala, umamin din ang Kapuso primetime actress sa Kapuso web exclusive video na mahilig siya sa sapatos at tinuturing niya ito na isa biggest splurge niya.
Pag-amin ni Glaiza, “Mahilig talaga ko sa sapatos. Ito sinasabi ko 'to, one time nag-shopping kami nila Kokoy [de Santos] tsaka ni Angel [Guardian].
“Sabi ko, 'Ngayon lang ako medyo nag-iisplurge sa mga sapatos'. Kasi nung bata pa ako, isa lang 'yung sapatos ko. Isa lang 'yung rubber shoes ko.”
“So ngayon na medyo nakaka-angat-angat na tayo sa buhay, ayun, talagang nada-draw ako sa mga sapatos.”
MAS LALO PA KILALANIN SI BOSS G SA KAPUSO ONLINE EXCLUSIVE BELOW:
ICONIC CHARACTERS OF GLAIZA DE CASTRO: