
Naka-relate ang Kapuso actress na si Glaiza De Castro sa kanyang recent role na si Matet sa Magpakailanman.
Gumanap si Glaiza bilang isang TNVS driver na dumaan sa iba't ibang pagsubok sa buhay lalo na sa pag-ibig at bumangon muli para maitaguyod ang pamilya.
Naka-relate raw ang aktres sa hirap na dinanas ni Matet.
Aniya, “Ako, personally, meron akong mga times na masasabi ko sa sarili ko na 'Ano ba yan ang lungkot-lungkot. Parang ang hirap.' Iba-iba lang siguro ng sitwasyon.”
Pero ngayon, all smiles si Glaiza sa kanyang buhay dahil nabibigyan niya ng oras ang kanyang pamilya, business, career at siyempre ang kaniyang love life.
Sabi ni Glaiza, “Okay naman po. Masaya naman.”
“We always find ways para ma-sustain and to connect,”
Panoorin ang buong chika sa ulat ni Lhar Santiago: