What's Hot

WATCH: 'Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko,' first horror-thriller na mapapanood sa GMA Afternoon Prime

By Cara Emmeline Garcia
Published June 6, 2019 11:05 AM PHT
Updated June 6, 2019 11:08 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Bilihan ng paputok sa Bulacan, dinadayo na; ilang uri ng paputok, tumaas na ang presyo
VPSD, mapasalamaton tungod nahatagan og taas nga panahon nga makauban si FPRRD | One Mindanao
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News



Dahil sa misteryong hatid ng 'Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko,' lagi raw may kasamang paranormal expert ang cast at crew tuwing magte-taping.

Pictorial pa lang, mabusisi na ang paghahanda ng cast and crew ng bagong Kapuso Afternoon Prime series na Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko.

Rayver Cruz at Kris Bernal
Rayver Cruz at Kris Bernal

Mula sa location, props, lighting, at effects, ramdam na ang misteryong hatid ng series na pagbibidahan nina Kris Bernal, Rayver Cruz, Megan Young, at Kim Domingo.

Ayon kay Rayver, “Kakaibang istorya na naman siya, e.

“Mayroon siyang touch of horror, suspense, at thriller but, at the same time, 'yung drama and 'yung love story.”

Hindi biro ang pagdadaanan ng buong cast kaya present daw lagi ang guidance ng mga paranormal expert sa kanilang taping lalo na't matatakutin sina Kris Bernal at Megan Young.

Bahagi ni Kris, “Parang natatakot din ako for myself kasi pag-aaralan ko and papasukin 'yung world na 'yun.

“E, matatakutin ako so parang pag ginawa ko siya natatakot ako na madala ko.”

Dagdag naman ni Megan, “Mahina talaga ang loob ko kapag nanonood ako ng mga nakakatakot.

“Alam kong iba kapag ikaw 'yung shinu-shoot kaysa kapag ikaw 'yung nanonood. So kailangan ko lang lakasan 'yung loob ko.”

Panoorin ang buong ulat Lyn Ching:

WATCH: Megan Young, balik taping na para sa bagong serye

WATCH: Kris Bernal at Rayver Cruz, magkakasama muli sa bagong suspense-thriller Kapuso series