Celebrity Life

WATCH: Heart Evangelista, gustong gawing perfect ang pagiging asawa kay Sen. Chiz Escudero at ina sa dalawang anak nito

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 20, 2017 12:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

What is the COVID-19 'Cicada' variant?
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Kinamusta ng Unang Hirit ang kanyang buhay maybahay ng aktres.

Ang multi-talented actress at artist na si Heart Evangelista ay multifaceted na rin pagdating sa kanyang pamamahay. Dalawang taon na siyang kasal sa kanyang mister na si Chiz Escudero at naninirahan kasama ang mga anak nito na sina Chesi at Quino.

 

A post shared by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on


WATCH: Heart Evangelista wants to protect the privacy of her husband’s twins, Chesi and Quino 

Kinamusta ng Unang Hirit ang kanyang buhay maybahay. “[It’s] very good, [but] stressful din siyempre. Hindi lahat ng bagay [ay] perpekto so tina-try ko magluto, tina-try ko mag-bake, tina-try ko na talaga lahat na hindi ko nagagawa dati. Pine-perfect ko ang pagiging asawa and of course, also [being] a mother to the two children of Chiz.”

Napakuwento rin ang Kapuso star tungkol sa kanyang bagong French contemporary home. Dalawang palapag ang kanyang bahay na may apat na kwarto at mamahaling mga gamit sa loob.

IN PHOTOS: Yayamanin na bahay ni Heart Evangelista 

Ano kaya ang kanyang paboritong tambayan?

“Actually, lahat. Iba-iba ‘yung charm niya sa akin [kasi] lahat siya merong calming factor pero ang pinakagusto ko [ay] ‘yung office ko. Nandun lahat ng mga gusto ko sa buhay [tulad ng] mga koleksyon ko [that] inspires me to paint [and do] everything.”

Sasabak si Heart sa matinding hamon sa kanyang pinakabagong reality show na Follow Your Heart na susubok sa kanya at sa tibay ng relasyon ng mga reel-and-real couples ngayong Linggo (April 23).

MORE ON HEART EVANGELISTA:

READ: Ano ang dapat abangan sa ‘Follow Your Heart’ ngayong Linggo?

WATCH: Will Heart Evangelista finally have a baby this 2017?