
Bukod sa kaniyang back-to-back collaborations, international movie projects, at local tv projects, isa pang pinagkakaabalahan ni Heart Evangelista ang pagpapatayo ng local animal welfare facility sa Sorsogon.
Ang animal welfare facility ay magiging lugar kung saan aalagaan at bibigyan ng tahanan ang mga naabandonang aso sa komunidad.
LOOK: Heart Evangelista to build animal welfare facility in Sorsogon
Ayon kay Heart, teenager pa lang siya ay personal advocacy na niyang mapangalagaan ang kapakanan ng mga hayop, lalo na ang mga naabandonang aso.
Kaya sa halip na bumili, mag-adopt na lang daw.
Gaya ng kaniyang ginawa sa kaniyang fashionista dog na si Panda, na isang Aspin o "Asong Pinoy.”
“Well, I just wanted to prove na 'di porket nasa kalye 'yung aso o 'di porket walang lahi, wala na siyang lugar sa mundo,” aniya.
“Aspins, for me, are very special, they're actually very smart, and they have a purpose.”
Panoorin ang buong chika sa ulat ni Cata Tibayan:
WATCH: Heart Evangelista to release a fashion book this September
EXCLUSIVE: Heart Evangelista on people adopting animals: “You are making a difference”