
Punong-puno ng kaalaman ang naibahagi nina Solenn Heussaff at Rhian Ramos nitong Sabado ng gabi (July 1) sa Taste Buddies dahil kanilang natutunan ang pinagmulan ng ilang food favorites at history mula sa Negros.
Unang diniskubre ni Solenn ang traditional na paggawa ng Muscovado Sugar. Ang kanilang travel buddy sa Silay na si Ervic Vijandre naman ay tumikim ng sweet treats mula sa Ann Co cakes.
Sina Bea Binene at Derrick Monasterio naman, may sweet date rin. Kanilang tinikman ang masasarap na dessert from Felicia's.
May exclusive visit naman sina Solenn at Rhian sa historical na Hacienda Rosalia. Ang Hacienda Rosalia ay napanood sa pelikulang Oro Plata Mata by Direk Peque Gallaga. Kanilang nakasama rin si Monsignor Gaston na naghanda ng traditional meals at nagbahagi rin ng history ng sikat na hacienda.
Subaybayan ang Saturday adventures nina Solenn at Rhian sa Taste Buddies ng GMA News TV.