
Ngayong gabi sa Mulawin VS Ravena, kakailanganin nang magpakita ni Alwina kay Gabriel upang mailigtas niya ang anak na si Almiro laban sa hari ng mga Ravena.
Nais paslangin ni Gabriel si Almiro kaya't dinala niya ito sa kagubatan. Susundan sila nina Alwina at Aramis. Hindi papayag si Alwina na mapaslang ang kanilang anak ni Aguiluz. Maililigtas kaya niya si Almiro?
Abangan 'yan mamaya sa Mulawin VS Ravena pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.