
Nagka-one-on-one interview ni Unang Hirit host na si Luanne Dy ang Arellano couple at isa sa mga napag-usapan ay kung paano nagsimula ang magandang samahan ng mag-asawa.
Talagang #RelationshipGoals ang mag-asawang celebrity hosts na sina Iya Villania at Drew Arellano. Umabot lang naman ng isang dekada ang kanilang relasyon bago sila nagpakasal noong 2014.
READ: Drew Arellano and Iya Villania talk about their married life
Nagka-one-on-one interview ni Unang Hirit host na si Luanne Dy ang Arellano couple at isa sa mga napag-usapan ay kung paano nagsimula ang kanilang magandang samahan noong 2004 nang maging magka-love team sila sa GMA youth-oriented show na Click.
“Saan ka sinagot ni Iya?” ang isa sa mga random questions ni Luanne ngunit binaliktad ito ng Chika Minute anchor, “Ay, excuse me. Sinagot niya ako!”
“Ikaw ba nanligaw?” ang follow-up question ng Unang Hirit host na agad namang pinabulaanan ni Mrs. A. “Hindi pero ako ang nagtanong. Nabo-bother na ako.”
Direktang ikinuwento ni Iya sa harap ng kanyang asawa, “‘Di ba sina-silent treatment kita tapos tinanong mo ako, ‘What’s wrong, what’s wrong?’ [I said,] ‘Nothing, nothing.’ Tapos finally tinanong kita, ‘I just [want to] know where I stand.’”
“Ang sagot [niya], ‘I’m glad you asked. I think I’m ready,’” pagtatapos ng aktres na 13 years old pa lang noon.
Magta-tatlong taon nang kasal ang dalawa at masayang-masaya sila sa kanilang biggest blessing ngayong taon—si Baby Antonio Primo.
Iya Villania to son Antonio Primo: ‘He’s the boss’