What's Hot

WATCH: Janine Gutierrez and Jak Roberto, may balik-alindog tips ngayong 2018

By Bea Rodriguez
Published January 3, 2018 1:06 PM PHT
Updated January 3, 2018 7:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras: (Part 2) Rambulan sa liga; LPA sa labas ng PAR; Sagot ni Sen. Marcoleta sa reklamong plunder; Hosts reveal ng "The People Have Spoken," atbp
Sports Cup sa Mandaue City, Gibuksan na | Balitang Bisdak
This immersive storytelling museum is inspired by a Korean tale

Article Inside Page


Showbiz News



Kung wala ka raw time mag-ehersisyo, ito raw ang dapat mo gawin ayon sa Pambansang Abs.   

Cheers to a fit and healthier you, mga Kapuso!

Sa pagpasok ng 2018, may balik-alindog tips ang inyong Kapuso fitspirations na sina Janine Gutierrez at Jak Roberto.

Apat na taon nang nagpi-Pilates ang Sherlock Jr. star at ngayon naman ay gusto i-try ni Janine ang maging sporty.

“Dati kasi [ay] nagte-Tennis ako kaya lang hindi ko na nagagawa so gusto ko ulit matuto mag-Tennis, gusto ko matuto mag-shooting [at] mag-surf,” kwento niya sa report ng Unang Hirit.

Kinakailangan raw na i-enjoy ang workout, “If there’s anything na maipapayo ko, siguro find something you really enjoy para hindi mo masyadong mafi-feel na nagwo-workout ka.”

Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay nakakapag-gym si Pambansang Abs Jak Roberto kaya ingat siya sa kanyang mga kinakain.

“’Pag wala ka talagang time mag-gym, tataba ka kapag kumain ka nang kumain so avoid lang ako sa mga pagkain na nakakataba,” ani ng Contessa star.