GMA Logo Jelai Andres and Jon Gutierrez reunion
What's Hot

WATCH: Jelai Andres and Jon Gutierrez 's sweet reunion

By Bianca Geli
Published October 24, 2019 7:25 PM PHT
Updated December 23, 2019 2:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Jelai Andres and Jon Gutierrez reunion


Ito na kaya ang simula ng pagkakaayos ng mag-asawang sina Jelai Andres at Jon Gutierrez?

May second chance pa ba para sa JoLai?

Ito rin ang katanungan ng Team JoLai fans, na kinilig sa reunion ng dalawa sa isang meet and greet event para sa YouTuber na si Zeinab Harake sa URBN Club, Quezon City, noong October 20.

Guest ni Zeinab si Jelai sa nasabing event.

Nalagay sa hotspot si Jelai nang tanungin ni Zeinab kung name-miss niya ang asawa niya, ang Ex Battallion na si member King Badger, o Jon Gutierrez sa tunay na buhay.

EXCLUSIVE: Jelai Andres gives advice for "marupok" girls

Pilit mang iwasan ni Jelai ang issue ay hindi rin ito nakaiwas nang biglang lumabas mula sa backstage si Jon.

Sabi ni Jon, “Kinakabahan ako…”

Tanong naman ni Jelai, “Bakit ka kinakabahan? Bakit ka nandito?”

Sagot ni Jon, “Nami-miss kasi kita.”

Dagdag pa niya, “Ito na lang 'yung way para makita ka, e, so ginawa ko na.”

Tilian naman ang fans habang napatahimik si Jelai panandalian at napakanta.

Kasama sa mga binaggit niyang lyrics, na tila para kay Jon, ay: “Pero sige, name-miss din kita.”

Ikinasal sina Jon at Jelai noong October 2018.

Nasangkot sa isang video scandal si Jon kasama ang isa pang YouTuber na si Toni Fowler noong March 2019, na naging sanhi ng lamat sa pagsasama nina Jon at Jelai.

Nananatili pa rin namang kasal ang isa't isa.

READ: Jelai Andres post breakup with husband Jon Gutierrez: "Okay na po ako, tapos na po akong umiyak."

READ: Aiai Delas Alas breaks silence over Ex Battalion member Jon Gutierrez's scandal