
Para sa panibagong content, pinagbigyan ng celebrity vlogger na si Jelai Andres ang kanyang fans at subscribers para sa isa na namang challenge.
Ito ay ang maging pasahero si Jelai sa buong maghapon.
Nang tanggapin ng former Owe My Love actress ang hamon, nagsimula na siyang kausapin ng kanyang production team.
Ang mechanics, dapat ay mag-isang makarating si Jelai sa lugar na papupuntahan ng kaibigan niyang si Direk Kathie.
Saktong pera lang din ang ipinadala kay Jelai upang gamiting pamasahe at bawal din siyang humihingi ng tulong sa kanyang cameramen na susundan siya sa pagbiyahe.
Unang hinanap ng aktres ang isang terminal at at pumila ito nang halos 30 minutes para lamang makasakay at makarating sa unang lugar na pinapuntahan sa kanya.
Sakay ang isang mini-bus, matiyagang tumayo ang celebrity vlogger dahil halos mapuno na ang sasakyan at wala ng bakanteng upuan.
Nasubukan din ni Jelai na mag-isang sumakay at makipag-unahan sa pagsakay sa mga pampublikong transportasyon.
Sa huling parte ng kanyang vlog, nasiraan ang tricycle na kanya sanang huling sasakyan para sa pagtatapos ng challenge.
Ngunit si Jelai ay may mabuting puso at kilalang isang mapagbigay na tao, ibinigay na lamang niya ang natitirang pera sa kanyang bag upang makatulong sa driver ng tricycle.
Panoorin ang latest vlog ni Jelai Andres dito:
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 307,000 views ang vlog ni Jelai at patuloy na kinagigiliwan ng netizens dahil tila maraming nakaka-relate sa hirap at pagod na naranasan ni Jelai sa pagbiyahe.
Samantala, tingnan ang sexiest bikini photos ni Jelai Andres sa gallery na ito: