GMA Logo Mavy Legaspi, Kyline Alcantara
Photo by: mavylegaspi (IG), itskylinealcantara (IG)
What's Hot

WATCH: Kilig reaction ni Mavy Legaspi nang magparamdam si Kyline Alcantara sa IG Live

By Bong Godinez
Published July 4, 2021 2:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Mavy Legaspi, Kyline Alcantara


Mavy's reaction upon seeing Kyline's name and comments was simply priceless.

Hanggang ngayon ay usap-usapan pa din kung may namamagitan nga ba kina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.

Kamakailan kasi ay may mga post si Mavy na tila ay nagpapahiwatig ng pagkahumaling sa Kapuso actress.

May isang post si Mavy na makikitang tinuturo niya ang dimple ng isang tao na tila ay si Kyline base sa facial features nito.

Nag-post din si Mavy ng larawan ni Kyline na masayang nakangiti. Kuha ang picture sa set ng music video ni Darren Espanto na kung saan si Kyline ang kanyang katambal.

“Congrats on the [music video]. For real, super proud of [you]. You know the rest man,” post ni Mavy.

Dagdag ni Mavy na pabiro, “Tama na. Akin na muna siya.”

Kagabi, July 3, sa IG Live ni Mavy ay muling kinilig ang fans ng dalawang Kapuso stars matapos mag-iwan ng comments si Kyline.

Tila hindi naman maitago ni Mavy ang sobrang kilig nang makita ang pangalan at comments ni Kyline.

“Guys, I wasn't sure kung nag-comment talaga siya that's why I have to scroll up again and find that comment. At ayon na nga, nag-comment na nga siya, so wow. It's time to sleep guys, tulugan na,” nangingiting sambit ni Mavy.

“Actually guys 'di ko alam kung maiinis ako sa comment niya, e. Alam niya talaga 'yong kinoment niya, alam niya number one asar line niya 'yon sa akin. 'Pag kami nagkita niyan, naku,” dagdag ng anak ng celebrity couple na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

“Hayaan mo mag-die down 'yong kiligness ko guys, ah. Kasi siyempre nung sinabi kong mag-comment siya [at] matutulog na ko, hindi ko naman ini-expect na magku-comment siya 'di ba?

“So nag-comment ka [Kyline], hayaan mo lang mag-die down yong kiligness kasi 'pag inend ko 'to siyempre magsa-smile pa rin ako, matatawa pa rin ako. So mahirap guys, mahirap guys.”

Tuwang-tuwa naman siyempre ang kanilang mga fans at marami ang kinilig din sa naging reaksyon ni Mavy.

“In love ang koya n'yo!” hirit ng isang nakapanood ng video.

Panoorin ang reaksyon ni Mavy sa video na ito:

A post shared by MAVY & KYLINE 💙🌻 (@teammavline)

Samantala, tingnan ang ilan sa mga nakakakilig na pictures ni Mavy sa gallery na ito: