What's Hot

WATCH: Kim Domingo, mas makikilala raw ng fans sa kanyang photo book

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 16, 2017 10:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sen. Jinggoy Estrada, nasa New Quezon City Jail matapos ipaaresto sa kasong Plunder at Graft
Samal Island braces for rainy season
Left a lighter in your car? Your old habits could be a major fire hazard

Article Inside Page


Showbiz News



Kim on her photo book 'Kim Domingo State of Undress': “Merong transition from innocent tapos pa-sexy ng pa-sexy."

Palaban at talagang ginalingan ni Kim Domingo sa kanyang upcoming photo book na handog niya sa kanyang fans.
 
Ayon sa ulat ng 24 Oras, extra daring ang Kapuso Pantasya ng Bayan sa kanyang photo book na ‘Kim Domingo, State of Undress.’ Ito raw ang pagpapasalamat ni Kim sa mga sumusuporta sa kanya.
 
Anang sexy actress, “Merong transition from innocent tapos pa-sexy ng pa-sexy. ‘Yung sa book na ‘yun, parang ano siya, mas makikilala ako ng fans ko, ‘yung mga taong sumusuporta  sa akin kasi doon nila makikita kung paano ba nagsimula si Kim Domingo.”
 
Ibinahagi rin niya sa parehong ulat na hindi siya makapaniwalang ngayong number 2 siya sa partial tally ng 100 sexiest poll ng isang men’s magazine.
 
Bahagi ni Kim, “Grabe, unexpected… Pero alam mo, kung ano man ‘yung maging kalabasan ng resulta, happy ako.”
 
Ayon din sa aktres, pinaghihirapan daw niyang mas lalo pang pagandahin ang kanyang physique.
 
Sambit niya, “Oo naman, grabe ‘yung pagdidiyeta ko ngayon talaga. Kasi kahit may taping, as long as meron akong time kahit from taping maaga ako na-pack up, punta ako ng gym.”


Video courtesy of GMA News