
Magpapakitang-gilas hindi sa TV kung hindi sa kusina sina Alden Richards, Kristoffer Martin, at Derrick Monasterio ngayong darating na Pasko.
Magpapakitang-gilas hindi sa TV kung hindi sa kusina sina Alden Richards, Kristoffer Martin, at Derrick Monasterio ngayong darating na Pasko.
Bahagi ng Kapuso heartthrobs sa panayam ng 24 Oras, sa kani-kanilang bahay sila magse-celebrate ngayong holiday.
Ani Alden, “Sa bahay lang po. First Christmas po kasi sa bahay so wala munang aalis.”
Sambit ni Derrick, “Ganun din po, Tito, house lang. Kasi mas masaya ganun eh, mas traditional kasi so bahay lang po.”
May reunión naman si Kristoffer kasama ang kanyang mga kamag-anak. Kuwento niya, “Kami annually naman talaga sa bahay, sa Olongapo kami nina Mommy tapos sa Father’s side’yung family nila doon din sa amin, kami nag-ho-host.”
Mag-a-ala chef daw ang tatlong aktor para sa kanilang pamilya. Ano-ano naman kaya ang mga lututuin nila?
“Baka po magluto, baka. Steak. Ayy, steak,” wika ni Alden.
“Baka po pasta. Oo, kaya ko ‘yun. ‘Yung ano lang, ‘yung oil pasta lang po,” dugtong naman ni Derrick.
Samantala, may specialty raw si Kristoffer. Saad niya, “Ako, ‘yung gusto nila Mommy at saka ni Daddy, ‘yung salted egg prawns. ‘Yun lagi ko niluluto pag Pasko.”
Nagkasama-samang muli ang tatlo sa isang proyekto sa GMA. Dasal nila, patuloy pa sana ang pagpasok ng blessings sa susunod na taon.
Video from GMA News
MORE ON ALDEN RICHARDS, KRISTOFFER MARTIN, AND DERRICK MONASTERIO:
Stars of Tween Academy: Where are they now?
Derrick Monasterio on being compared with Alden Richards: "Nakakatuwa, nakaka-flatter"
LOOK: Kristoffer Martin fanboys over Maine Mendoza