EXCLUSIVES

Derrick Monasterio on being compared with Alden Richards: "Nakakatuwa, nakaka-flatter"

Published On: December 2, 2015, 2:54 PM

Magkapatid ang turingan ng dalawang GMA Records artists sa isa't isa.

By CHERRY SUN

Parehong Kapuso hunks at ngayon ay parehong recording artists na rin under GMA Records sina Derrick Monasterio at Alden Richards. Kaya naman, hindi maiwasang mapag-usapan at maikumpara sila sa isa’t isa.

Ito ang bungad sa bagong GMA Records artist na si Derrick ng members of the press nang pumirma siya ng kontrata sa Kapuso recording company.

IN PHOTOS: Kapuso hunk Derrick Monasterio is the newest artist of GMA Records 

Paglinaw ni Derrick ay wala namang kumpetisyon sa pagitan nila ng Pambansang Bae. Gayunpaman, tinatanggap niya bilang papuri na maidikit ang kanyang pangalan sa kanyang kapwa artista at singer.

Sambit niya, “Nakakatuwa kasi siyempre para mai-compare sarili mo kay Alden. Kasi at least parang iniisip pa rin nila na kami ‘yung magkalaban pero wala naman talagang laban.

“Nakakatuwa, nakaka-flatter kasi siyempre we all know naman na Alden is up there na. Na parang idikit ‘yung pangalan mo sa kanya, it means positive kumbaga,” patuloy nito.

Dagdag din ni Derrick na magkaiba sila ng istilo at genre ni Alden. Magkapatid din ang kanilang turingan.

LOOK: Derrick Monasterio and Alden Richards co-star on Tween Academy: Class of 2012 

Kuwento niya, “Makulit, para kaming magkapatid. Alam ko wala kaming mga lalaking kapatid eh. Ganun pa rin siya kung paano siya magsalita dati.”

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->