
Hatid nina Kyline at Therese, na gumaganap bilang sina Elsa at Ariela, ang matitinding tapatan at kapanapanabik na confrontation scenes sa Kapuso show na Inagaw na Bituin.
Handang-handa na daw ang dalawa sa mga karakter nila bilang magkaagaw sa pinapangarap nilang kasikatan at tagumpay.
Ani ni Kyline, “Yung karakter ko hindi magpapatalo. Hindi magpapatalo sa iyo, Ariela” habang tinutukso si Therese.
“Palaban rin po ako, Elsa!” sagot naman ni Therese.
Watch: Kyline Alcantara at Therese Malvar, matitindi ang mga eksena sa 'Inagaw na Bituin'
Hindi lamang sa kasikatan maglalaban ang dalawa, kundi pati na rin ang puso ni Prince na ginagampanan ni Manolo Pedrosa.
“Unang meet pa lang namin, confrontation na agad yun!” sabi ni Therese.
Dagdag ni Kyline, “Kasi medyo nagugustuhan na ni Elsa si Prince. Kung baga, friends na po sila (Ariella at Prince) before.”
Panuorin ang buong report ni Nelson Canlas sa 24 Oras sa video na ito:
READ: Kyline Alcantara wants to keep relationship with Manolo Pedrosa on professional level
Tutok lang sa Inagaw Na Bituin sa GMA Afternoon Prime.