
Sa episode ng All Access, ikinuwento ni Kyline Alcantara ang experience sa pag-portray ng iba't ibang characters sa Kambal, Karibal. Aniya, "Syempre po, nakakalito po 'yung roles ko. 'Yun nga po, nagiging Crisan ako, nagiging Crisel ako, nagiging Cheska ako." Ngunit natutuwa rin naman siya dito dahil na-cha-challenge raw siya.
Sino nga ba sa mga roles na ito ang most favorite niya?
Sagot ng aktres, "Si Crisel po talaga 'yung pinaka-favorite ko. Kasi si Crisel, kahit punong-puno siya ng galit sa katawan niya, or inggit sa katawan niya. Meron pa rin siyang pagmamahal pagdating sa kapatid niya. And 'yun po 'yung nagustuhan ko doon sa character kasi lahat ng emotions puwede mo ipasok sa kanya. Kungbaga walang limitations."
Panoorin ang buong episode sa All Access:
?