GMA Logo LJ Reyes with kids Aki and Summer
Celebrity Life

WATCH: LJ Reyes's Elyu vacation with Aki and Summer

By Maine Aquino
Published July 21, 2021 9:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 22, 2025
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

LJ Reyes with kids Aki and Summer


Nasaan si Paolo Contis?

Isang masayang bonding sa La Union or Elyu ang ipinakita ni LJ Reyes sa kaniyang bagong vlog.

Kasama ni LJ sa kaniyang bakasyon ang mga anak na sina Aki at Summer.

Sa simula ng kaniyang vlog, ikinuwento ng Kapuo actress ang dahilan kung bakit hindi nila kasama si Paolo Contis.

Saad ni LJ, "I'm here with the kids. Hindi lang namin kasama si Pao because he has work."

Si Paolo ay kasalukuyang nasa lock-in taping ng I Left My Heart in Sorsogon.

Pag-amin ni LJ, kailangan na talaga niya at ng mga anak ang bakasyon na ito.

LJ Reyes with kids Aki and Summer
Photo source: LJ Reyes (YouTube)

"I feel like kailangan talaga namin itong time na ito to get recharged. Kahit papaano magkaroon kami ng time na hindi namin masyadong naiisip yung COVID. Siyempre meron pa rin pero here kasi we are staying in a house. So nandito lang kami, diyan lang kami sa beach."

Dugtong pa ng Kapuso actress, kailangan na ng mga bata na makalabas sa kanilang bahay. Ayon pa kay LJ, importanteng makakita na ng ibang view sina Aki at Summer dahil matagal na rin silang nananatili lang sa bahay dahil sa quarantine.

"Iba talaga 'yung hangin by the beach. Kailangan na ng ibang view, ibang perspective ko at ng mga bata."

Kuwento pa ni LJ, nalulungkot siya dahil wala si Paolo sa family bonding na ito.

"Pao has commitments. Iba 'yung pagka-busy namin before. Pre-pandemic kahit na busy ka umuuwi ka, pero ngayon parang 'yun nga ang joke namin ni Pao is para na siyang OFW actually."

Hindi man nila kasama si Paolo, siniguro naman ni LJ na magiging masaya ang mga bata sa beach.

"Enjoy naman kami. Gusto ko rin naman na mag-enjoy ang mga bata. I have to give the kids a good time talaga."

Panoorin ang vlog ni LJ dito:


Samantala, tingnan ang iba pang litrato nina LJ, Aki, at Summer sa gallery na ito: