Pebrero na pero parang hindi natatapos ang birthday celebration ni Kapuso actress Sheena Halili.
Sa set ng upcoming GMA series na Destined To Be Yours kasi sinalubong ng aktres ang kanyang kaarawan noong nakaraang buwan.
Nakatanggap ng cake at bulaklak si Sheena mula sa kanyang co-star na si Maine Mendoza at sa ilang miyembro ng crew ng serye.
Late nang naibahagi ni Sheena ang video dahil busy na sila sa taping. Ipinagdiwang ng aktres ang kanyang kaarawan noong January 16.
Bukod sa impromptu birthday celebration na ito, nagdaos din si Sheena ng bonggang birthday bash sa Sofitel.
Kapipirma lang din ni Sheena ng panibagong kontrata sa kanyang home network na GMA.
MORE ON SHEENA HALILI:
LOOK: Sheena Halili celebrates her 30th birthday
10 photos of Sheena Halili which proves that 30 is the new 20!