What's Hot

WATCH: Manny Pacquiao, balik-ensayo para sa laban kontra kay Keith Thurman

By Cara Emmeline Garcia
Published May 16, 2019 10:45 AM PHT
Updated May 16, 2019 10:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News



Manny Pacquiao sa napipintong laban kay Keith Thurman: “Si Thurman, undefeated 'yun eh so wala pang talo. Maganda 'yan na makalaban tayo ng wala pang talo.” Read more:

Sa gitna ng pangangampanya bilang campaign manager ng kaniyang partido ay naayos na ni Senator Manny Pacquiao ang kaniyang susunod na laban sa taong ito.

Manny Pacquiao
Manny Pacquiao

Sa ulat ni Chino Trinidad, makikitang nagpapawis at nag-ensayo na ang 8 Division World Champion ilang araw matapos makumpirma ang kaniyang laban sa Hulyo 20 kontra sa Amerikanong si Keith Thurman para sa titulong “World Boxing Association Unified Champion.”

‪The summer just got a little hotter!‬

A post shared by Manny Pacquiao (@mannypacquiao) on

Ayon sa mga eksperto, mas bata, mas malakas, at mas matangkad si Thurman kaysa kay Pacquiao.

Ngunit hindi nabago ang ganitong sitwasyon sa 40-year old boxer.

Ani ni Pacquiao, “Si Thurman, undefeated 'yun eh so wala pang talo. Maganda 'yan na makalaban tayo ng wala pang talo.”

Pabor naman daw para kay Manny ang nasabing petsa ng laban kahit wala pang kumpirmadong venue.

“Kasi mahaba 'yung bakasyon namin sa Senate. Bali sa [July] 22 'yung resume ng session at SONA ng presidente.”

Unti-unting ibabalik ng boxer-turned-senator ang kaniyang kundisyon sa mga susunod na araw na pangangasiwaan ng kaniyang chief trainer at newly-elected Vice Mayor ng Polangui na si Buboy Fernandez.

Panoorin ang buong ulat ni Chino Trinidad:

WATCH: Manny Pacquiao, hands-on coach to son Jimuel

LOOK: Manny Pacquiao and son Israel are like two peas in a pod