What's Hot

WATCH: Marian Rivera, tinanggap ang Best Documentary Host award ni Dingdong Dantes

By Maine Aquino
Published December 10, 2018 4:02 PM PHT
Updated December 10, 2018 4:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Part of Cambridge Street in QC closed from June 1 to Dec 2027
Home store repositions as lifestyle destination with Makati flagship relaunch
Cebu's Gazini Ganados reaches Top 5 in MGI All Stars

Article Inside Page


Showbiz News



Kinilala ng OFW Gawad Parangal si Dingdong Dantes bilang Best Documentary Host para sa 'Amazing Earth.' Congratulations, Dingdong!

Si Marian Rivera ang tumanggap ng parangal para kay Dingdong Dantes na kanyang nakuha bilang host ng weekend infotainment show na Amazing Earth.

Marian Rivera
Marian Rivera

Sa 8th OFW Gawad Parangal Awards na ginanap nitong December 9, 2018 sa Pasay City ay kinilala si Dingdong na Best Documentary Host para sa Amazing Earth.

Ang OFW Gawad Parangal ay inorganisa ng Kapisanan ng mga Kamag-anak at Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc. (KAKAMMPI). Ang KAKAMMPI ay isang community-based na organisasyon ng mga Overseas Filipino Workers, migrant returnees at ng kanilang mga pamilya.

Kapuso stars, wagi sa 8th OFW Gawad Parangal Awards

Sa pagtanggap ni Marian sa parangal ni Dingdong ay nagpasalamat siya sa pagkilala sa kanyang ginagawa sa Amazing Earth at pagiging ama ng kanilang anak.

Maraming salamat Yan for accepting Dong's reconition from Gawad Parangal. Sa alaga ko, Dong, Congratulations sa iyo! Sulit ang bawat akyat mo ng bundok, ang bawat pagtawid mo ng ilog at ang pagpunta mo sa masusukal na gubat para samahan kaming matuto at mag-enjoy sa ating AMAZING EARTH! Kaya naman saludo ako sa dedikasyon mo bilang host! Salamat sa bumubuo ng AMAZING EARTH at sa GMA 7 sa tiwala. At sa bumubuo ng OFW Gawad Parangal, salamat sa recognition. #showsomeppllove #pplentertainmentinc #pplartist #primetimeking #amazingearthofficial #amazingearthphilippines #gma7

A post shared by Peregrino Lansigan Jr. (@ppl_perrylansigan) on

"Sa ngalan po ng aking asawa na si Dingdong Dantes, marami pong salamat sa pagkilala sa kanya. Talaga naman pong amazing ang kanyang ginagawa hindi lamang po sa telebisyon kundi bilang tatay sa aming pamilya."

Ipinahiwatig rin ng talent manager ni Dingdong na si Perry Lansigan na proud siya sa trabahong ginagawa ng kanyang alaga.

"Sa alaga ko, Dong, Congratulations sa iyo! Sulit ang bawat akyat mo ng bundok, ang bawat pagtawid mo ng ilog at ang pagpunta mo sa masusukal na gubat para samahan kaming matuto at mag-enjoy sa ating AMAZING EARTH!

"Kaya naman saludo ako sa dedikasyon mo bilang host! Salamat sa bumubuo ng AMAZING EARTH at sa GMA 7 sa tiwala. At sa bumubuo ng OFW Gawad Parangal, salamat sa recognition."

Congratulations, Dingdong!