
Isa si Love You Two actress at Glow Up host Michelle Dee sa 40 kandidatang sasabak para makuha ang korona na Miss World Philippines 2019.
Sa simula ng kaniyang Miss World Philippines journey, nagpasalamat na kaagad ang actress at model sa mga sumusuporta sa kaniya.
Melanie Marquez's daughter Michelle Dee joins Miss World Philippines 2019
At siyempre, hindi pahuhuli sa suporta ang kaniyang ina na si Melanie Marquez na nanalo bilang Miss International noong 1979.
“Baka malalagpasan pa ho ako ng anak ko,” aniya.
“You know I wanted sana lahat ng mga anak ko malagpasan pa ako.
“'Yung mga na-achieve ko, sana ma-achieve rin nila na mas higit pa sa akin.”
Kasama ni Michelle sa Miss World Philippines competition ang dating child actress na si Isabelle de Leon at Dahil Sa Pag-ibig actress Kelley Day.
Panoorin ang buong chika ni Lhar Santiago:
LOOK: Filipino-British beauty Kelley Day joins Miss World Philippines 2019
LOOK: Isabelle de Leon officially starts her Miss World Philippines 2019 journey