
"Mental health awareness is very relevant to the Philippines today.” - Kylie Verzosa
Kinoronahan kahapon (October 27) sa Japan ang pang-anim na Pinay na nanalo bilang Miss International at halos hindi matigil sa kakaiyak sa stage ang 24-year-old beauty queen na si Kylie Verzosa.
WATCH: Kylie Verzosa’s crowning moment in the Miss International 2016
Hindi pa rin makapaniwala ang Baguio native na siya ang pinangalanang Miss International 2016 kaya excited na siyang iuwi ang korona sa Pilipinas, “I want to share this with you guys.”
Ang pinakaimportanteng parte ng kanyang pagkapanalo ay ang pagpapalaganap ng kanyang personal na adbokasiya, “My personal advocacy is mental health awareness which is very relevant to the Philippines today.”
READ: Kylie Verzosa on winning the Miss International crown: “Philippines, this is for you!”
Tutuparin niya rin ang kanyang tungkulin bilang ambassadress of peace habang pinapalawak ang kanyang kaalaman tungkol sa ibang bansa at ang mga kultura nito.
May mensahe rin ang bagong Miss International para sa mga kabataan, “Mag-aral kayo nang mabuti dahil ang beauty hindi lang sa physical but mental as well. Respect your parents and become a good person.”
Video from GMA News
READ: Kylie Verzosa’s emotional Instagram post about winning the Miss International crown