
Lumabas na ang music video para sa kantang 'Parang Kailan Lang' ni Maine Mendoza at ng electro-pop rock band Gracenote.
Taong 2018 nang pumirma si Maine ng kontrata sa Universal Records.
Minsan na rin niyang nabanggit na hindi niya inasahang maging recording artist.
"Medyo kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung magugustuhan ba ng mga fans. Siyempre 'yun naman 'yung gusto kong mangyari 'di ba? Sana po magustuhan nila. 'Yun lang 'yung hinihiling ko," pahayag ni Maine.
Panoorin ang music video para sa 'Parang Kailan Lang' dito.
March 20 nang i-release ang 'Parang Kailan Lang' under Universal Records. Available ito for streaming at download sa iba't ibang digital music stores.