
"Sobrang blessed."
'Yan ang pahayag ng 24-year-old The Clash hopeful na si Nef Medina matapos mabigyan ng second chance para ipagpatuloy ang kanyang laban sa singing competition.
Siya at ang 16 years old na si Princess Vire ang napili ng The Clash panel para magtapat sa wildcard round.
Sambit ni Nef, "Actually pagkatawag ng pangalan ko, parang nagkaroon ulit ako ng hope kasi itong The Clash importante para sa pag-abot ng pangarap ko."
Hindi naman nabigo ang Caviteño singer dahil siya ang huling contender na nakakuha ng spot sa Top 16 matapos tanghaling 'Top of the Clash.'
Panoorin ang performance ni Nef dito:
WATCH: "Mr. Hips" Marlon Ejeda sings his heart out to fight bullying
Kilalanin ang unang pitong contestants na pasok sa Top 16 ng 'The Clash'