
Isang hindi malilimutan na experience ang ibinahagi ng social media influencer na si Ryan Morales Reyes o mas kilala sa tawag na Ninong Ry.
Ayon sa kanyang vlog ay nagluto siya para sa detainees ng San Juan City Jail Male Dormitory at naghanda pa ng hygiene kits para sa higit na 300 na tao. Nakasama niya rin dito ang isa pang vlogger na si Karen Bordador at ang Caritas Manila. Ayon sa video ito ay ang initiative sa National Correctional Consciousness Week.
Ipinakita ni Ninong Ry ang naging proseso ng kanilang paghahanda ng kilo-kilong pagkain para sa detainees.
PHOTO SOURCE: YouTube: Ninong Ry
Kuwento ni Ninong Ry, "Hindi ako aware sa mga ganitong bagay. Nandito lang talaga ako dahil inalok ako na magluto."
Dugtong pa niya, "Kailan pa ba ako magkakaroon ng pagkakataon para magluto sa kulungan?"
Ipinakita rin sa kanyang vlog na katulong niya sa pagluluto ang iba pang nagluluto sa city jail.
Ayon kay Ninong Ry dahil sa kanyang ginawang ito ay marami siyang natutunan.
"Akala ko magluluto lang ako sa ibang environment, pero ang dami kong natutunan."
Ani Ninong Ry, "Sobrang dami kong narinig na kuwento. Sobrang bumukas ang isipan ko."
Ilang subscribers naman ang naantig sa ginawang ito ni Ninong Ry,
Saad sa comment, "Salamat po sa mabuti mong puso.. Watching this makes me really cry. 😢 I hope everyone watched this learned a lot. To give importance to our lives being free and be like this vlogger that gave this experience to the inmates. ♥️♥️♥️ Salamat salamat."
Comment naman ng isa pang subscriber, "This is what you call an influencer. No dramas, no issues, or such. Influencing other people to do better to themselves and to others. Hats off to you, Ninong Ry! I hope you can influence those other "influencers" to use their platforms in a good way."
PHOTO SOURCE: YouTube: Ninong Ry
Napahanga naman ang isang subscriber dahil sa naging karanasan na ibinahagi ni Ninong Ry, "I admire every time Ninong Ry says, "Hindi ko talaga to alam eh. Hindi ako aware". Just shows how open he is for awareness despite the fact na this content itself promotes awareness sa ibang tao. See, even sa kanya effective tong ginawa niyang content."
Panoorin ang video ni Ninong Ry sa San Juan city jail dito: