What's Hot

WATCH: Ogie Alcasid, may handog na kanta para kay Alden Richards

By Aedrianne Acar
Published January 9, 2018 12:16 PM PHT
Updated January 9, 2018 12:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Matutupad na ang pangarap ni Alden Richards na magkaroon ng music collaboration kasama ang OPM legend na si Ogie Alcasid.

Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com kay Pambansang Bae Alden Richards, sinabi niyang gusto niyang makatrabaho sa susunod niyang album ang award-winning OPM legend na si Ogie Alcasid.

EXCLUSIVE: Alden Richards plans to co-produce a concert with GMA Records

Ayon sa Kapuso actor/singer, dream come true para sa kaniya kung mapapaunlakan siya ng mister ni Regine Velasquez-Alcasid na makasama sa highly-anticipated album niya under GMA Records.

Saad niya, “Sana maisulat ako ng isang kanta ng the one and only Kuya Ogie Alcasid. Sana lang, hopefully kung kakayanin. It’s my dream.”

Pero ‘tila hindi na kailangan maghintay nang matagal ng AlDub superstar na matupad ang kaniyang wish dahil mismong si Ogie ay game na makatrabaho ang guwapong binata.

Sa video na in-upload ng showbiz writer na si Allan Diones nang makapanayam ang former Bubble Gang star, may inalok na kanta si Ogie na inspired ng kanilang love team ni Maine Mendoza.

Ani Ogie, “I am open to work with him (Alden) anytime. Tawagan lang niya ako, kung gusto niya gawan ko siya ng kanta para sa kanila ni Maine.”

Dagdag niya, “Mayroon akong isang sinulat noon, sana magustuhan niya ang title, 'I Love You.' Alden, kung nagustuhan mo ‘yung kantang iyon, sa ’yo na.”

“Nagawa ko na ‘yun noon-noon pa. Actually inspired talaga ‘yun ng kanilang love team. Nung pinasikat niya ‘yung 'God Gave Me You,’ parang sabi ko, parang kailangan niya ng kanta na parang ganun. So yun ‘yung naisip ko ‘I Love You.’ Gusto mo sa iyo na ‘yun, Alden,” dagdag ni Ogie.