
Talagang tinutukan ng sambayanan ang pagtatapos ng hit teleseryeng Kambal, Karibal noong Biyernes, August 3.
Dahil sa inyong suporta, nakuha nito ang second spot sa trending list ng YouTube ngayong araw, August 6.
Sa naturang video, mapapanood ang pagsapi ni Black Lady kina Jenny, Patricia, Nori at Geraldine para subukang kitilin ang buhay ni Crisan. Hindi nagtagal at napuksa rin ang masamang espiritu noong nahulaan ni Diego ang tunay nitong pangalan.
Sa ngayon, mayroon ng mahigit 700,00 views sa YouTube ang episode highlight simula noong in-upload ito sa official channel ng GMA Network dalawang araw pa lang ang nakakalipas.
Panoorin ang pagdispatsa kay Black Lady sa Kambal, Karibal sa video na ito: