
Kung hindi busy si Bubble Gang comedian Paolo Contis sa taping, isang hands-on dad naman siya sa anak nila ni LJ Reyes.
Sa katunayan, araw-araw siyang nagbibigay ng update tungkol kay Baby Summer sa kaniyang followers sa Instagram.
Kuwento ng aktor, 'di raw muna makakabalik si LJ sa showbiz dahil hands-on rin ito sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.
Kaya naman ang tanong ng karamihan: May plano na kayang pakasalan ni Paolo si LJ? At kung meron, kailan ito magaganap?
“That's what I want at wala rin naman akong ibang gusto,” pag-amin ni Paolo.
“Love ko si LJ and I know na pareho kami ng gusto and dun naman ang punta nun.
“It's just a matter of time, 'yun lang naman ang hindi namin alam kung kailan, pero 'yun na lang 'yung hinihintay namin.”
Panoorin ang buong ulat sa chika ni Aubrey Carampel:
IN PHOTOS: The beautiful family of LJ Reyes and Paolo Contis
EXCLUSIVE: Are wedding bells ringing for LJ Reyes and Paolo Contis?