
Umabot na sa mahigit one million views ang video ng tagisan ng boses nina Kyline Alcantara, Therese Malvar, at Melbelline Caluag sa Inagaw Na Bituin.
Napanood sa March 14 episode ng Inagaw Na Bituin ang magkahiwalay na performance nina Elsa (Kyline) at Melody (Melbelline) at ni Ariela (Therese) sa kanilang sinalihang singing contest.
Matapos ang isang linggo, naging usap-usapan at pinapanood pa rin ang kanilang eksena.
As of writing, meron nang at least 1.1 million views ang naturang video.
Pumatok din ang video ng audition nina Elsa at Melody na umani rin ng mahigit 1 million views.
WATCH: Kyline Alcantara and Melbelline Caluag's audition sa Inagaw Na Bituin, umani ng 1M views