
Ang Kapuso anchor na si Pia Arcangel ang magiging bagong mukha ng Tunay na Buhay.
Aniya, isang pleasant surprise raw na siya ang napiling host ng docu-reality show.
“It wasn't something that I expected but excited ako na gawin ito kasi nanonood talaga ako ng 'Tunay na Buhay.'
“Siyempre 'yung mga hinahangaan ko na mga personalities, inaabangan ko talaga 'yung kwento nila kaya excited ako na mabigyan ng pagkakataon na gawin ito, ma-interview sila, at makilala sila ng husto.”
Dagdag pa ni Pia, maraming pagbabago sa show ang dapat abangan.
Pero bago iyan, mapapanood ang farewell episode ni Rhea Santos ngayong Miyerkules, August 7.
To my Tunay Na Buhay team, thank you for the beautiful memories. I will miss you. Now, it's my turn to share my journey. Catch part 2 of my #tunaynabuhay this Wednesday night, August 7, after Saksi, hosted by Pia Arcangel. pic.twitter.com/WPbq32iXPR
-- Rhea Santos (@MsRheaSantos) August 5, 2019
Panoorin:
WATCH: Rhea Santos bids goodbye to 'Unang Hirit'
WATCH: Rhea Santos, nagpasalamat sa Kapuso Network sa 19 na taon sa telebisyon