
Sa unang episode ng Stairway To Heaven, natunghayan ang simula ng pagkakaibigan nina Cholo (Joshua Dionisio) at Jodi (Barbie Forteza).
Simple at masaya ang buhay nila sa tabing-dagat kasama ang kanilang pamilya.
Kahit parehong namatayan ng magulang, hindi nagbago ang pakikitungo nila sa isa't isa. Sa halip, lalo pang tumibay ang kanilang pagkakaibigan.
Naging sandalan nina Cholo at Jodi ang isa't isa kahit pa lumipat na ang huli sa Maynila para mag-aral.
Kahit malayo sa isa't isa, gumagawa ng paraan si Cholo para bisitahin ang kanyang kaibigan.
Tuloy-tuloy na sana ang maganda nilang samahan hanggang sa dumating ang mga anak ni Maita (Jean Garcia), pangalawang asawa ng ama ni Jodi, na sina Eunice (Joana Marie Tan) at Tristan (Jake Vargas).
Dahil sa inggit, pipilitin ni Eunice na mapaibig si Cholo at agawin ito mula kay Jodi.
Balikan ang mga eksenang 'yan dito:
Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.
Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.
Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime
Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas sa GMANetwork.com at GMA Network app.