
Sa gitna ng pagte-tape ng kanilang upcoming GMA Afternoon Prime series na Haplos, isang sorpesa ang inihanda ni Kapuso actor Rocco Nacino para sa kanyang leading lady na si Sanya Lopez.
Sa isang maikling video na ibinahagi ni Rocco sa kanyang Instagram account, makikitang sa gitna ng isang eksena gugulatin niya si Sanya ng isang laruang ahas.
Walang kamalay malay ang aktres na habang seryosong siyang nagbibitiw ng kanyang mga linya, palihim na kinuha ni Rocco ang rubber snake mula sa kanyang bulsa.
Iniayos pa ni Rocco ang porma nito bago ibinulaga sa mukha ni Sanya!
Paglilinaw naman ni Rocco na nagpaalam siya sa direktor ng serye na si Gil Tejada bago gawin ito. Maliit na katuwaan lang daw ito dahil ito ang kanilang huling eksena sa araw na iyon.
Gaganap sina Rocco at Sanya bilang Angela at Gerald—magkasintahan na magugulo ang pagsasama dahil sa pagdating ni Lucille, half-sister ni Angela.
Abangan ang kanilang kuwento sa Haplos, simula July 10 sa GMA Afternoon Prime!