
Busy ngayon ang Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Jasmine Curtis-Smith sa pagte-tape ng kanilang upcoming film mula APT Entertainment, Inc.
Bagama't wala pang detalye kung ano ang magiging pamagat ng pelikula, nagbahagi na ng teasers ang dalawang aktor sa kani-kaniyang Instagram account tungkol dito.
LOOK: Ruru Madrid and Jasmine Curtis Smith tease new project together
Aminado naman si Kapuso heartthrob Ruru Madrid na childhood crush niya ang magiging leading lady niya sa upcoming film.
Aniya, “Siguro mga ano ako nun, fourteen.
“Tapos sabi ko, 'Grabe! Sobrang ganda nito.'
“Sobrang gusto ko siyang makatrabaho and sobrang talented din, sobrang talino na talagang kahit sino naman ay magkakagusto sa kaniya.”
Ang pelikula ay iikot sa love story ng characters nina Cara at Jagger -- ang karakter ng dalawang aktor.
Sa isang interview ng GMANetwork.com, isinaad ni Ruru na marami ang makaka-relate sa love story na isasalaysay nila sa pelikula.
“Maraming kikiligin, maraming mapapaiyak, at maraming matatawa.”
Panoorin ang buong chika ni Cata Tibayan:
Ruru Madrid at Jasmine Curtis-Smith, kumpirmadong magtatambal sa isang pelikula
Ruru Madrid maglalabas ng 'hugot' song under GMA Music