Ruru Madrid maglalabas ng 'hugot' song under GMA Music | GMANetwork.com - Music - Articles

Pumirma bilang exclusive recording artist ng GMA Music si Kapuso actor Ruru Madrid ngayong Miyerkules, July 10.

Ruru Madrid maglalabas ng 'hugot' song under GMA Music

By MARAH RUIZ

 

Pumirma bilang exclusive recording artist ng GMA Music si Kapuso actor Ruru Madrid ngayong Miyerkules, July 10.

 

Ruru Madrid
Ruru Madrid

 


First love daw ni Ruru ang pagkanta kaya masaya siyang makakapaglabas na siya ng sariling kanta at album.

"I'm very happy dahil ever since I started show business, sobrang naging pangarap ko talaga 'to—na magkaroon ako ng sarili kong kanta. Nagpapasalamat ako siyempre sa lahat ng bumubuo ng GMA Music and of course my management, GMA Artist Center, sa tiwala na ibinigay nila sa akin," pahayag niya.

Isang hugot song daw ang maaaring asahan mula sa kanya sa lalong nalalapit na panahon.

"Natutuwa ko dahil sa areglo, sa meaning noong kanta na ibinigay nila sa 'kin. Actually, the first time na pinakinig nila sa 'kin 'to, sobrang nagulat ako na parang wow ang ganda. Saka damang-dama dahil ngayon alam ko 'yung mga gusto ng mga Pinoy and 'yung mga tao—'yung may hugot na kanta, 'yung tipong may sakit at maaalala mo 'yung memories noong past na grabe, napagdaanan ko pala 'to," paglalarawan niya sa upcoming single.

Nangyari ang pirmahan sa pagitan ni Ruru at ng GMA Music ngayong araw, July 10 sa headquarters ng GMA Music sa Quezon City.