
Gaganap bilang isang embalsamador si Kapuso actor Ruru Madrid sa upcoming episode ng real life drama anthology na Magpakailanman o #MPK.
Hango kasi sa isang viral love story na mangyayari sa isang punerarya ang kuwento ng episode kung saan makakatambal ni Ruru si Maine Mendoza.
Medyo creepy daw ito para kay Ruru dahil naranasan niyang magmaneho ng carro o funeral hearse sa unang pagkakataon.
"Nakakatakot pa rin. Kanina nag-drive ako ng carro ng patay. Medyo scary kasi that was the first time na nakapag-drive ako ng ganoon," pahayag niya.
Sa kabila nito, isang kuwento pa rin daw tungkol sa pag-ibig ang dapat abangan sa episode.
"Nakakatuwa dahil itong istorya na 'to na gagawin naming dalawa ni Maine, isang istorya na pinapatunayan ang tunay na pagmamahalan. Kahit ano pang estado mo sa buhay, kahit na ano pang trabaho mo, pagka tinamaan ka ng pagmamahal, wala kang magagawa doon," aniya.
Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras:
Samantala, huwag palamapasin ang episode na "Kasal sa Funeral," February 8 sa #MPK pagkatapos ng Daddy's Gurl.
#MPK: Kasal sa Funeral | Teaser Ep. 370