What's on TV

WATCH: 'Sahaya' cast, excited na sa Lunes!

By Cara Emmeline Garcia
Published March 15, 2019 10:34 AM PHT
Updated March 15, 2019 10:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Mavs halt road skid, increase Kings’ losing streak to 6
Bomb threats pester schools in Kalibo, Aklan anew
Here are the changes to Jesus Nazareno's andas for Traslacion 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Bianca Umali: "Ang sarap po sa pakiramdan na finally Sahaya is official.”

Mapapanood na sa Lunes, March 18 ang bagong Kapuso Primetime series na Sahaya.

'Sahaya' Cast
'Sahaya' Cast

Sabi ni Bianca Umali, excited na raw siyang mapanood ng mga Kapuso ang produkto ng ilang buwang pagsasanay at pag-aaral sa kulturang Badjaw.

“Ang sarap po sa pakiramdan na finally Sahaya is official.”

“It's another project that we both have to give our best,” sabi ng 19-year-old actress.

WATCH: Bianca at Miguel, nais ipakita ang kultura ng mga Badjaw sa 'Sahaya'

Sesentro ang serye sa paglalakbay ni Sahaya, kung saan maipapakikita rin ang makulay na kultura, buhay, at paniniwala ng mga Badjaw.

“The goal of the show is mapakilala ang kultura at sino ang mga Badjaw,” ani Bianca.

Dagdag naman ng katambal ni Bianca, si Miguel Tanfelix, itatampok din sa serye ang lakas ng mga kababaihan.

Panoorin ang mga aabangang eksena sa Lunes:

Sa direksyon ni Zig Dulay, mapapanood na ang Sahaya simula sa Lunes, March 18, pagkatapos ng KaraMia.

WATCH: Mylene Dizon, hanga sa co-stars niya sa 'Sahaya'