
Naggagandahan ang mga sagalang lumakad para sa Santacruzan ng San Lorenzo Village sa Makati kasama ang kanilang mga makikisig na konsorte.
Tampok sa Santacruzan ay sina 2018 Miss World Philippines Katarina Rodriguez bilang Reyna Emperatriz, 2018 Miss Multinational Philippines Kimi Mugford bilang Reyna Esperanza, at 2013 Miss Supranational Mutya Datul bilang Reyna delas Flores.
LOOK: Kapuso stars, nakisaya sa Santacruzan at Flores de Mayo 2019
Sa chika ni Lhar Santiago, ibinahagi ni Kimi Mugford ang kaniyang galak na maging parte ng isang tradisyon na puno ng kultura ng mga Pinoy.
Pahayag niya, “It honestly warms my heart to be surrounded by people supporting the same culture, loving the same culture, and embracing the same culture as I do.”
Hindi naman maiwasang alalahanin at magbalik tanaw ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz ang mga Santacruzang sinalihan niya noong kapanahunan niya habang pinapanood ang parada.
Aniya, “I've done so many mga Flores de Mayo at mga parada.
Pero every time you join another one or see another one, especially if it's your own village, it's still very sentimental.”
Panoorin ang buong chika ni Lhar Santiago:
WATCH: Klea Pineda, marami raw natututunan tuwing sumasali sa Santacruzan