GMA Logo sasakyan ni ken chan nabangga ng van
What's Hot

WATCH: Sasakyang minamaneho ni Ken Chan, nabangga ng van

By Dianara Alegre
Published June 4, 2020 10:40 AM PHT
Updated June 4, 2020 10:54 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

sasakyan ni ken chan nabangga ng van


Nakaligtas ang aktor na si Ken Chan nang mabangga ang minamaneho niyang sasakyan ng isang van sa Quezon City. Sugatan naman ang dalawang pasaherong lulan ng van.

Nabangga ng isang SUV van ang sasakyang minamaneho ni Kapuso star Ken Chan sa Timog Avenue, kanto ng Panay Street. sa Quezon, City, nitong Miyerkules ng hapon, June 3.

Walang natamong anumang sugat ang aktor ngunit sugatan ang driver ng van at isa pa nitong kasama.

Ayon sa aktor, mabagal langang kanyang pagmamaneho dahil sa traffic at nagulat na lamang siya nang may biglang bumangga sa likuran ng kanyang sasakyan.

Ayon sa pulisya, wala umanong pananagutan si Ken Chan sa insidente dahil siya ang biktima.

Gayundin, Ipinahayag din ng aktor na wala siyang planong magdemanda laban sa driver.

“Hindi pumasok sa isip ko na magsampa ng kaso dahil talagang…ang totoo po niyan, sobrang naaawa ako kay Tatay na nakabangga sa akin.

“Sana maayos 'yung lagay niya at sana hindi masyadong Malala 'yung mangyari sa kanya kasi nagtatrabaho din po 'yung tao,” aniya.

IN PHOTOS: Celebrities who figured in terrible accidents

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan) on


Panoorin ang buong 24 Oras report:


Ken Chan believes prayer is the most effective shield against COVID-19

Ken Chan sheds tears during his #HealingHearts fundraising concert

Ken Chan says pets are part of his sources of joy amid quarantine