
Tutok ang Kapuso primetime couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa pag-aasikaso sa kanilang prinsesa na si Maria Letizia Dantes, lalo ngayon at hindi sila ganoon ka-busy.
Ayon sa panayam kay Dingdong Dantes ng 24Oras, makulit at bibo ang kanilang baby girl.
Aniya, “Nandun siya sa stage na kailangan talaga niyang mag-explore, so hindi talagang puwedeng pigilan. Ang mahalaga dapat nandun kayo para alalayaan at suportahan.”
Sa parehong interview, kinumpirma na din ng Kapuso Primetime Queen na malapit na siya muling magtrabaho sa isang primetime series pero aminado ito na nakakaramdam siya ng separation anxiety sa tuwing iiwan si Zia.
“Excited ako magbalik sa primetime especially ‘yung gagawin kong karakter ngayon eh namiss ko ‘tong gawin. And then alam kong mahihirapan ako, alam ko mahihirapan ako na iwan talaga si [Baby Zia].”
Dagdag pa ni Marian, nagiging mapili na din siya sa mga TV projects na ginagawa niya dahil gusto niyang maging role model para sa kaniyang anak.
“Sa bawat gagawin ko gusto ko maging ehemplo niya kaming parents niya kung paano kami magmahal sa isa’t-isa, kung paano kami sa ibang tao.”
MORE ON MARIAN RIVERA:
LOOK: Kapuso and Kapamilya stars go gaga over 'little Marimar,' Zia Dantes
LOOK: Bikini photos of celebs that generated the most number of likes on Instagram!
WATCH: Video captures how close Marian Rivera & Angel Locsin truly are