
Kung ang Blusang Itim ang nagpaganda kay Snooky Serna noong 1986, ngayon ang Inagaw na Bituin star na si Kyline Alcantara naman ang may hawak ng magic sa pelikulang Black Lipstick.
At sa pelikula, si Snooky Serna pa mismo ang gumaganap bilang ang ina ni Kyline.
Masayang sinabi ni Snooky, “Ngayon ay masaya ko pong ipinapasa ang korona kay Kyline.
Kyline Alcantara, Manolo Pedrosa, Kate Valdez, and more to star in upcoming movie “Black Lipstick”
“And I'm really happy for Kyline na siya 'yung lalabas at magpo-portray ng role na ginampanan ko way back 1986.”
Ani naman ni Kyline, “I'm really happy na nandoon po si Ms. Snooky kasi I know na mayroong someone na mag-guide sa akin kung paano ko po gagawin 'yung character ko.”
WATCH: Kyline Alcantara, bibida sa pelikulang 'Black Lipstick'
Nakatakdang gawin ni Kyline ang pelikula in-between taping days ng kanyang hit GMA Afternoon Prime series na Inagaw na Bituin.
Makakasama ni Kyline sina Manolo Pedrosa, Kate Valdez, Migo Adecer, James Teng, at Angel Guardian sa nasabing pelikula
Panuorin ang chika ni Lhar Santiago: