What's on TV

WATCH: Sophie Albert, 'di inasahang magiging regular sa 'The Gift'

By Marah Ruiz
Published January 30, 2020 3:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Kilusang Bayan Kontra Kurakot press conference (Jan. 19, 2026) | GMA Integrated News
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi malilimutan ni Sophie ang moment na nalaman niyang magiging regular na bahagi na siya ng cast ng 'The Gift.'

Guesting lang dapat ang orihinal na plano para kay Sophie Albert sa inspiring GMA Telebabad series na The Gift.

Gumaganap siya bilang si Helga, isang babaeng may third eye na hiningan ng tulong ni Sep--karakter ng lead star na si Alden Richards--para mahanap ang kanyang tunay na mga magulang.

Pero dahil naging mainit ang pagtanggap sa kanya, humaba ang naging papel ng karakter niyang si Helga sa serye.

Kaya naman hindi malilimutan ni Sophie ang moment na nalaman niyang magiging regular na bahagi na siya ng cast ng show.

"Actually, 'yung guesting ko sa The Gift dapat one episode lang siya tapos dalawang sequences, 'yun na 'yung dapat. Very memorable for me noong nalaman ko na magiging regular na pala ako dito kasi siyempre I'm happy na makatrabaho 'yung mga tao dito-si Alden, si Tita Oro (Elizabeth Oropesa) ulit, si Mikee (Quintos) so naging excited ako,"

Lubos naman na-enjoy ni Sophie ang mga kilig scenes niya kasama si Alden.

"Favorite ko 'yung mga start pa lang na may mga pakilig with Sep kasi 'yun 'yung mga masayang gawin. Light lang, nakakatuwa," bahagi niya.

Panoorin ang buong online exclusive video interview kay Sophie mula sa set ng The Gift.



Samantala, patuloy na panoorin ang huling dalawang linggo ng The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Anak Ni Waray Vs. Anak ni Biday sa GMA Telebabad.


WATCH: Mga kilig moments ng #TeamSepGa sa 'The Gift'

BEHIND-THE-SCENES: Alden Richards at Sophie Albert, nilantakan ang props sa set ng 'The Gift'