
Kilalanin ang StarStruck hopeful na handang ikuwento ang tunay na estado ng kanyang pamilya.
Si Shanicka Arganda ay ang dalagang sumabak sa audition bitbit ang tapang na harapin ang mga sasabihin ng mga tao tungkol sa kanyang personal na buhay.
Ayon kay Shanicka, ang kanyang ama ay nakakulong at ang kanyang ina naman ay mayroon na umanong ibang pamilya.
Kuwento ni Shanicka sa audition, "Okey lang po. Willing naman po akong harapin 'yun kasi part na po 'yun eh. Kailangan niyong tanggapin na po talagang malalaman po 'yan kaya harapin nalang po."
Online audition para sa 'StarStruck,' binuksan na
Ayon sa StarStruck hopeful, gusto niyang patunayan ang kanyang kakayahan kaya siya sumabak sa reality-based artista search.
"Gusto ko pong mag-artista kasi naniniwala ako... Gusto ko po i-prove sa sarili ko na kaya ko 'to. Gusto ko ipakita sa mga sumusuporta at nagmamahal sa akin na winner ako."