
Present ang StarStruck Season 7 finalists na sina Kim de Leon, Shayne Sava, Allen Ansay, at Lexi Gonzales sa naganap na Christmas tree lighting ceremony sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Ayon sa mga opisyal ng lungsod, napili ang apat na Kapuso talents dahil bagay raw sa young stars ang tema ng kanilang pista na “bully-free Christmas.”
Isang karangalan naman para sa apat na makasama sa okasyon.
Ani Shayne, “Super close po kami ng co-StarStruck finalists po lalo na po kami na matagal na nagsama kaya masaya po talaga na nandito po kami ngayon.”
Dagdag pa ni Kim, ito raw ang kanyang unang pagkakataon na makasama sa isang Christmas tree lighting event.
Panoorin ang buong chika ni Lhar Santiago:
EXCLUSIVE: Kim de Leon, inamin na nasa puso niya ang pag-arte
Shayne Sava, gustong sundan ang yapak nina Katrina Halili at kanyang look-alike na si Kris Bernal