What's Hot

WATCH: Super Tekla, inaming dating natutulog sa kalsada

By Michelle Caligan
Published April 5, 2019 3:23 PM PHT
Updated April 5, 2019 4:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran protests abate after deadly crackdown, Trump says Tehran calls off mass hangings
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News



Super Tekla on experiencing depression: "Naramdaman ko dati na parang wala ng hope..." Read more:

Bago pa man niya naabot ang tagumpay na kanyang tinatamasa ngayon, dumaaan sa maraming pagsubok ang Kapuso comedian na si Super Tekla.

Super Tekla
Super Tekla

LOOK: Edited photos ni Super Tekla kasama ang ilang celebrities, naging viral

Isa sa mga pagsubok na ito ay ang apat na buwan niyang pagtira sa kalsada, na kanyang ikinuwento sa 'Tea Time' segment ng Kapuso ArtisTambayan nitong Huwebes, April 4.

Aniya, "'Yun 'yung total ground zero, kasi I had a serious depression. Napakabigat na depression at hindi ko siya kinaya. Wala akong circle of friends na puwedeng mapuntahan. Pariwara, parang ganun.

A post shared by SuperTeklah Librada (@superteklahlibrada) on


"Naramdaman ko dati na parang wala ng hope. Pero sabi ko, if You're really true, 'yung nasa taas, prove it. And then may instrument na binigay Siya, isang tao na maghe-help sa akin. Dahil sa kanya, nabigyan ulit ako ng chance to stand up."

May advice naman ang Kiko en Lala star sa mga katulad niya dati.

WATCH: Super Tekla, may unforgettable scene daw sa 'Kiko en Lala'

"Huwag kayong mawawalan ng pag-asa, kasi andyan lang Siya. Just hold on, lalo na kung may talent ka. 'Yang talento mo, 'yan ang magbibitbit sa 'yo sa tagumpay."

Abangan ang upcoming film ni Super Tekla na Kiko en Lala, soon in theaters nationwide.

Panoorin ang buong Kapuso ArtisTambayan guesting nina Super Tekla at Kim Domingo dito: