What's Hot

WATCH: Tambalang Sunshine Dizon at Mike Tan, mapapanood na ngayong Lunes sa 'Wagas'

By Cara Emmeline Garcia
Published September 1, 2019 2:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaking nanloob sa isang bahay, nakipagbarilan sa may-ari nito sa Bulacan
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Matapos ang pagsasama nila sa 'Ika-6 na Utos,' muling magkakasama sina Sunshine Dizon at Mike Tan para sa anthology drama series na 'Wagas.'

Matapos ang pagsasama nila sa Ika-6 na Utos, muling magkakasama sina Sunshine Dizon at Mike Tan para sa anthology drama series na Wagas.

Pag-amin ni Mike, natutuwa siya sa muli nilang pagsasama dahil mas kumportable na sila sa isa't isa.

“Nakakatuwa lang kasi mas madali nang umarte kasi pamilyar na kami sa isa't isa eh.

"Wala na kaming inhibitions, wala na kaming ilangan, wala nang kahit ano. Kaya mas madali na.”

Gagampanan nina Mike at Sunshine ang papel ng mag-asawang sinubok ang pagsasama pagkatapos mawala ang kanilang anak dahil sa isang delubyo.

Can a lost love eventually find its way back? Don't miss #Wagas' first story, "Throwback Pag-ibig," beginning Sept. 2, before Eat Bulaga on GMA 7! ❤ #WagasMediaCon #WagasGMA

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork) on

Mike Tan on relationship: “Always make your partner your priority”

Kuwento naman ni Sunshine, nakaka-relate raw siya sa kanyang karakter lalo na't napahiwalay ito sa kanyang asawa noon.

Payo pa ng aktres, “Kung ano 'yung tingin mong tama para sa pamilya mo, para sa'yo, at ikakasaya mo at ng anak mo, at kung wala naman kayong taong nasasaktan, then go for it.

“If there is a chance to reconcile and fix your past, mas okay 'yun kung walang bitterness.”

Subaybayan ang Mike Tan-Sunshine Dizon tandem sa Wagas, simula Lunes, September 2.

Panoorin ang chika ni Lhar Santiago:

Sunshine Dizon, excited sa kanyang karakter sa 'Wagas: Throwback Pag-ibig'

WATCH: Sunshine Dizon at Mike Tan, masaya na muli silang magsasama sa 'Wagas'